Baybayin: Ang Unang Wika Natin.

Ang Baybayin ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayuhang kastila. 

Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Espanyol at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling.

Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14 katinig. Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas na isinulat ng mga misyonerong Espanyol.


Comments